Home METRO P7.1M smuggled sigarilyo, nasabat sa Zamboanga

P7.1M smuggled sigarilyo, nasabat sa Zamboanga

4
0

ZAMBOANGA, Philippines — Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang ₱7.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang anti-smuggling operation sa baybayin ng Barangay Cawit, Zamboanga City noong Huwebes.

Ayon sa Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), nagsagawa sila ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na may idinidiskargang smuggled na sigarilyo mula sa isang motorboat.

Nakatakas ang mga suspek matapos mapansin ang pagdating ng mga awtoridad at iniwan ang mga kontrabando.

“Upon approach of Coast Guard personnel, the smugglers on board their motorboat immediately sped toward the open sea, leaving the contraband behind.”

Sinubukan pa ng PCG na habulin ang motorboat ngunit nabigo dahil sa masamang kondisyon ng dagat.

Nasamsam sa baybayin ang 110 master cases ng iba’t ibang uri ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱7.1 milyon.

Dinala ang mga nakumpiskang kontrabando sa Coast Guard Station–Zamboanga para sa imbentaryo at ipapasa sa Bureau of Customs para sa karagdagang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here