Manila, Philippines – Umugong ang usap-usapan tungkol kay Baron Geisler, base sa post ng asawa niyang si Jamie Evangelista sa Instagram nitong July 18.
Ayon kasi kay Jamie, kailangan daw magpa-drug rehab ang aktor.
Saad ni Jamie: “Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems. I doubt a facial can heal that.”
Naka-tag ito kay Baron.
Ayon pa sa kanyang IG Story: “No one plays the victim better than the one who causes the damage.”
Bagama’t burado na ito’y nai-screen shot ito ng ilang netizens who posted it on social media.
Wala pang reaksyon ang aktor sa post ng kanyang psychologist-wife.
Dati pa’y associated na ang pangalan ng 44 anyos na aktor sa paggamit ng drugs.
Nasangkot pa nga si Baron sa ilang isyu, dala na din ng pagkagumon niya sa alak.
September 2019 noong ikasal sinaBaron at Jamie sa huwes.
Sa loob ng pitong taong pagsasama, nagkaroon sila ng isang anak na babae–si Talitha Cumi.
Noong May 2026, sinabi ni Baron sa isang panayam na ganap na siyang nagbago.
O so showbiz industry thought.
Sa latest post ni Jamie, balik-droga na naman ba ang mahusay na aktor? Ronnie Carrasco III