Home NATIONWIDE Military sites ng Houthi sa Yemen tinarget ng Saudi

Military sites ng Houthi sa Yemen tinarget ng Saudi

1
0

SAUDI ARABIA – Tinarget ng airstrike ng Saudi-led coalition sa Yemen ang military sites ng Houthi sa Yemeni port city ng Hodeidah nitong Biyernes, Hulyo 24.

Ang mga ito ay iniuugnay sa mga pag-atake sa Saudi shipping.

Mula noong 2022 ay umiiwas ang Saudi Arabia na bumalik sa full-scale conflict sa Yemen dahil sa ceasefire kasunod ng malaking kaguluhan sa pagitan ng dalawa na kumitil sa buhay ng libo-libong tao sa karahasan, gutom at sakit.

Sa kabila nito, dahil sa pag-target ng Houthi sa paliparan sa Saudi noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng naturang bansa ang naval blockade.

Sinabi naman ng Houthi-affiliated Al Masirah TV na tinamaan ng mga strike ng Saudi ang pasilidad na pagmamay-ari ng state telecommunications corporation sa Hodeidah city.

Tinarget din umano ng Saudi forces ang Kamaran island, sa west coast ng Yemen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here