Home HOME BANNER STORY Kampo ni VP Sara handa sa paglalabas ng Senado ng subpoena sa...

Kampo ni VP Sara handa sa paglalabas ng Senado ng subpoena sa bank, tax records

1
0
Ang abogado ng depensa na si Atty. Nakipag-usap si Michael Poa sa mga mamamahayag sa Senado ng Pilipinas noong Huwebes, Hunyo 25, 2026, habang nagbibigay siya ng update sa nagpapatuloy na pre-trial proceedings sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nakahanda ang defense team ni Vice President Sara Duterte sa paglalabas ng Senate impeachment court ng subpoena para sa bank at tax records nito.

Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa legal counsel ni Duterte, iginiit nito na ang depensa ay hindi takot sa mga dokumento at nais lamang nilang sundin ang rule of law sa proseso.

“Handang-handa naman tayo… Ang punto lang naman talaga natin do’n, wala naman tayong hangarin na ma-suppress o pigilan ang paglalabas. It’s just that we felt strongly na may mga batas na nagbabawal dito and that’s why we said, while we’re searching for the truth, it must be done within the limits of the Constitution, the law, and the rules,” ani Poa sa panayam ng GMA News.

Aniya, inasahan na nila ang posibilidad na paboran ng Senate impeachment court ang hiling ng prosekusyon sa pag-iisyu ng subpoena laban sa financial records at tax records ni Duterte.

Ngayon ay handa na umano sila sa pagpapakita na “allegations of unexplained wealth have no basis”.

Nagsimula na ang korte sa pag-iisyu ng mga subpoena. Kabilang sa mga ito ay ang Bureau of Internal Revenue, tAnti-Money Laundering Council, at ilang banko, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Alfred Corpus.

Binigyan ang mga ito ng hanggang Hulyo 30 para tumugon sa subpoena.

Si Duterte ay nahaharap sa impeachment charges sa mga alegasyon ng culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang high crimes.

Noong Mayo ay na-impeach si Duterte ng Kamara sa ikalawang pagkakataon.

Nag-convene naman bilang impeachment court ang Senado noong Mayo 18. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here