Home NATIONWIDE Katotohanan sa ‘spliced video’ sa impeachment trial, hiniling ni Barbers sa Cayetano...

Katotohanan sa ‘spliced video’ sa impeachment trial, hiniling ni Barbers sa Cayetano siblings

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni House impeachment adviser at prosecution spokesperson Robert Ace Barbers kina Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter Cayetano na linawin sa publiko ang katotohanan kaugnay ng umano’y kumakalat na spliced video tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Barbers, naroon ang dalawang senador sa pagdinig kaya alam nila ang tunay na nangyari at maaari nilang ituwid ang nilalaman ng video na aniya’y hindi nagpapakita ng buong konteksto ng oral arguments.

Ang pahayag ni Barbers ay tugon sa Facebook reels na ibinahagi ni Sen. Pia Cayetano, na naglalaman ng mga inedit na bahagi ng pagdinig, kabilang ang palitan nina Sen. Alan Peter Cayetano at House prosecutor Akbayan Rep. Chel Diokno.

Iginiit ni Barbers na mahalagang maipakita sa publiko ang kabuuan ng impeachment proceedings upang makabuo ng patas at tamang pag-unawa, sa halip na umasa lamang sa maiikling video clips sa social media.

Hinikayat din niya ang mga Pilipino na subaybayan ang buong impeachment trial upang maiwasan ang pagkalat ng fake news at mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso ng impeachment. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here