Home NATIONWIDE Telcos, NTC binatikos ni Remulla sa mabagal na internet

Telcos, NTC binatikos ni Remulla sa mabagal na internet

1
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga telecommunications company at ang National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa patuloy na mabagal at putol-putol na internet sa bansa.

“Ang ating internet talaga ngayon, ang ating data, nakakaawa ang Pilipinas,” ani Remulla sa kanyang programa sa radyo.

Dagdag pa niya, “Ang private sector corruption hindi puwedeng balewalain ‘yan kasi mas malaki ‘yan sa buhay natin. Itong buhay ng mga telco, ‘yung internet nilang babagal-bagal, puputol-putol. Walang ginagawa ang NTC. Wala talaga. Para silang empleyado ng mga telco.”

Inilabas ni Remulla ang pahayag ilang araw bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Matatandaang sa kanyang 2025 SONA, muling ipinahayag ni Marcos ang hangarin na mapabuti ang internet connectivity sa bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here