Home METRO Lalaking nakakulong, inaresto sa loob ng selda; iba pang kaso isinampa

Lalaking nakakulong, inaresto sa loob ng selda; iba pang kaso isinampa

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya sa loob ng selda ang 27-anyos na construction worker na wanted sa kaso ng pagnanakaw sa lalawigan ng Leyte matapos makulong sa hiwalay na kaso sa Malabon City.

Batay sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Beliner Capili, kasalukuyang nakapiit ang akusado na residente ng Brgy., Area 6, Parañaque City sa Custodial Facility ng Malabon City Police Station matapos maaresto sa hiwalay na kasong Qualified Rape.

Nang suriin ng mga pulis ang kanyang record, natuklasan na may nakabinbin na warrant of arrest ang akusado para sa kasong Thef na inisyu ng Municipal Trial Court, Ormoc City, Leyte, na may inilaang piyansa na ₱36,000.

Bukod rito, may isa pang arrest warrant ang akusado para sa paglabag sa Omnibus Anti-Smoking/Vaping Ordinance, na inisyu naman ng Metropolitan Trial Court, Mandaluyong City.

Dahil dito, kaagad isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa akusado ang nasabing mga arrest warrant sa loob ng custodial facility ng Malabon CPS. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here