Home METRO Konstruksiyon ng bagong istraktura sa accretion, ipinagbawal ng DENR

Konstruksiyon ng bagong istraktura sa accretion, ipinagbawal ng DENR

3
0

ZAMBALES, Philippines – Mariing binalaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga resort owner na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng alinmang bagong istraktura sa danger zone sa mga dalampasigan sa baybaying dagat sa Sitio Liwliwa na sakop ng mga Barangay Amagna at Sto.Niño sa San Felipe.

Ito’y matapos mahuli sa akto sa occular inspection ng DENR CENRO ang pagtatayo ng ilang bagong istraktura ng mga resort owner sa naturang lugar sa kabila ng mahigit na pagbabawal mga awtoridad dahil sa isyu o usapin ng seguridad.

Ayon Kay DENR PENRO Atty.Marife Castillo, layon ng pagbabawal sa paggawa ng bagong istraktura, ay upang maiwasan anumang panganib sa malalakas na alon, storm surge at iba na maaring idulot ng kalamidad o mga pagbagyo at mga posibleng pagguho.

Kaugnay nito, nasa higit 2,000 resort sa Zambales ang isinailalim sa assessment ng DENR dahil issue ng accretion.

Bunsod nito, naglagay ng mga babala o singnages ang DENR hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa pagtatayo ng bagong istraktura at iba pang alituntunin para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga  naroon at dumarayong publiko sa lugar. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here