Home OPINION NASA PANIG NG BATAS AT PRINSIPYO

NASA PANIG NG BATAS AT PRINSIPYO

2
0

DUMARAMI ang mga nagsusuri sa paraan ng pamumuno ni Senator Chiz Escudero bilang Presiding Officer sa pagpapatuloy ng Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ilang legal expert at iba pang kilalang personalidad ang nagsasabing maayos, mabilis, at patas ang kanyang pamamalakad sa proceedings.

Ngunit hindi lahat ay kumbinsido, gaya ni dating Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na pinupuna ang desisyon ng Presiding Officer sa pagpayag na i-subpoena ang ilang dokumento at records na may kaugnayan sa Impeachment case.

Ngunit nilinaw ni Escudero na ang pagpayag na mailabas ang mga dokumentong ito ay hindi nangangahulugang awtomatikong tanggap na ang mga ito bilang ebidensya laban kay VP Sara.

Ito ay bahagi lamang ng proseso upang mabigyan ng pagkakataon ang Impeachment court na suriin ang mga ito. Nariyan pa rin ang karapatan ng depensa na kwestyunin ang admissibility, relevance, at bigat ng bawat dokumentong ihaharap.

Sa ganitong ruling, tinitiyak ng Presiding Officer na mapakikinggan ang magkabilang panig bago gumawa ng anomang pasya. Ito ang dahilan kaya marami ang positibo sa kanyang pamumuno.

Maaalalang binigyang-diin ni Senator Panfilo Lacson ang kahalagahan ng pagkakaroon ng abogado bilang Presiding Officer. Sa Impeachment trial, aniya, kailangang mabilis na maresolba ang procedural issues, rules of evidence, at constitutional questions na lumilitaw habang nagpapatuloy ang paglilitis.

Maging ang mga unang nag-alinlangan kay Escudero ay kinikilala na rin ang kanyang papel. Nagbigay ng “high grades” si retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna. Pinuri rin nina constitutional law professor Tony La ViƱa, writer Katrina Stuart Santiago, lead House prosecutor Rep. Gerville Luistro, at defense spokesperson Atty. Michael Poa ang naging takbo ng proceedings.

Nagpahayag din ng suporta si dating Senate President Franklin Drilon at sinabing naging decisive ang pamumuno ni Escudero, kaya posible umanong madesisyunan ang Impeachment trial bago matapos ang taon.

Natural na may mga hindi sasang-ayon sa ilang ruling ng Presiding Officer. Ngunit iba ang pagtutol sa isang partikular na desisyon kaysa paghusga sa kabuuang paraan ng kanyang pamumuno.

Ang mahalaga sa ngayon, mas nangingibabaw ang pananaw na maayos, patas, at naaayon sa batas ang direksyon ng Impeachment trial sa ilalim ni Senator Chiz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here