Home OPINION MGA LANGIS NG PINAS KALKALIN NA (1)

MGA LANGIS NG PINAS KALKALIN NA (1)

4
0

NAPAKAYAMAN ang Pinas ng mga likas na yaman sa langis ngunit purdoy na purdoy tayo sa suplay at ito pa ang pinanggagalingan ng matinding krisis na pang-ekonomiya ng bansa, lalo na sa presyo ng mga bilihin tuwing nagkakaproblema sa suplay rito mula sa ibang bansa.

Gaya ngayon, umaabot na sa $100 kada bariles ang krudo pangunahin dahil sa giyera sa Gitnang Silangan na may suplay sa mundo na 32 prosyento at pagbaba ng suplay rin mula sa Russia na suplayer ng 11 porsyento sa mundo dahil din sa giyera nito sa Ukraine.

Napakalaking dagok ito sa Pinas dahil maaaring aabot na sa P90 kada litro pataas ang diesel, gasolina at kerosene na pinagmumulan ng matinding krisis sa presyo sa lahat ng bilihin.

Dahil sa mga ito, nararapat lang na umaksyunan ang gobyerno sa pagkalkal ng mga yamang langis ng bansa upang matugunan ang krisis sa suplay at presyo langis at guminhawa naman lahat tayo.

Tingnan ninyo.

Ayon sa geological surveys ng Estados Unidos at mismong China, tinatayang nagkakahalaga ng $23.6 trilyon ang halaga ng krudo, natural gas, methane at iba pa ang matatagpuan sa loob ng Pinas, kasama ang mga nasa 200 mile economic zone at Philippine Rise nito.

Sa Benham Rise sa silangan ng Isabela at Aurora province, sa Sulu at Celebes Seas na sakop ng Pinas, may panimula nang pag-aaral na nagsasabing puno ang mga ito ng mga krudo, natural gas at methane gas na maaaring buong buhay nating magagamit at mapakikinabangan sa murang halaga dahil hindi na tayo mag-iimport ng mga produktong ito.

Kaugnay nito, may natuklasan nang mga deposito ng natural gas na 3.4 trilyong cubic feet at 4.8 bilyong bariles na krudo sa Liguasan marsh sa Mindanao.

Mas malaki ang natural gas sa Liguasan kumpara sa 2.7 trilyong cubic feet na deposito ng Malampaya na ginagamit nating paglikha ng kuryente na 20-40 prosyento na konsumo ng Pinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here