MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draws nitong Lunes, Hulyo 27, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Walang nakahula sa Grand Lotto 6/55 winning combination na 06-53-42-49-55-46 na may jackpot prize na P97,179,402.15.
Huling nagkaroon ng Grand Lotto 6/55 winner noong Mayo 20, nang maiuwi ng isang bettor mula Morong, Bataan ang P115 milyon.
Ayon sa PCSO, isa sa bawat 28,989,675 ang tsansang manalo sa Grand Lotto 6/55 jackpot, o katumbas ng humigit-kumulang 0.00000345 porsiyentong pagkakataon sa bawat ticket combination.
Wala ring nakahula sa Mega Lotto 6/45 winning combination na 14-42-34-26-05-37 para sa P15-milyong jackpot. RNT