Home NATIONWIDE Bantang kaso ni PBBM kay Romualdez, ‘pambubudol’ – Imee

Bantang kaso ni PBBM kay Romualdez, ‘pambubudol’ – Imee

3
0

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senador Imee Marcos ang ikalimang State of the Nation Address ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tinawag na “pambubudol” ang anunsiyong malapit nang sampahan ng kaso si dating House Speaker Martin Romualdez.

Hindi dumalo si Imee sa SONA kasama ang iba pang miyembro ng minority bloc sa Senado at kinuwestiyon ang paghawak ng pamahalaan sa mga kasong korupsiyon na kinasasangkutan ng mga kaalyado ng administrasyon.

“Pawang pambubudol na naman ang sinabi ng Pangulo na malapit nang sampahan ng kaso ng Ombudsman si dating Speaker Martin Romualdez,” pahayag niya.

Inanunsiyo ni Marcos sa kaniyang SONA na naghahanda na ang Office of the Ombudsman na magsampa ng maraming kaso laban kay Romualdez kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Kinuwestiyon ni Imee kung bakit mabilis umanong nasasampahan ng kaso ang mga senador na kumokontra sa administrasyon ngunit mabagal ang pagkilos laban sa mga kaalyado nito.

Dagdag niya, hindi lamang si Romualdez ang sangkot sa korupsiyon.

Samantala, mas positibo ang naging tugon ni kapwa minority Senator Robin Padilla, na nagpasalamat sa Pangulo dahil mas maraming wikang Filipino ang ginamit nito sa talumpati.

“Maraming salamat sa ating Pangulo at mas marami ang wikang Pilipino sa kanyang talumpati, mas naintindihan naming mga hampaslupa ang kanyang mga nais isagawa sa loob ng natitira niyang termino,” pahayag ni Padilla sa Facebook. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here