Home NATIONWIDE Padilla, saludo sa paggamit ni Marcos ng Filipino sa SONA: Mas naiintindihan...

Padilla, saludo sa paggamit ni Marcos ng Filipino sa SONA: Mas naiintindihan ng hampaslupa

4
0

MANILA, Philippines  — Pinasalamatan ni Sen. Robin Padilla si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mas paggamit nito ng wikang Filipino sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), na aniya’y nakatulong upang higit na maunawaan ng karaniwang mamamayan ang mga plano ng administrasyon sa nalalabing bahagi ng termino nito.

“Maraming salamat sa ating pangulo at mas marami ang wikang Pilipino sa kanyang talumpati. Mas naintindihan namin mga hampaslupa ang kanyang mga nais isagawa sa loob ng natitira niyang termino,” pahayag ni Padilla sa isang Facebook post noong Lunes.

Kabilang si Padilla sa mga senador na hindi dumalo sa SONA. Paliwanag niya, may dinaluhan siyang okasyon ng pamilya ngunit napakinggan pa rin niya sa radyo ang talumpati ng Pangulo.

Hindi rin dumalo si Padilla sa SONA noong nakaraang taon bilang protesta sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Kabilang sa mga tinalakay ni Marcos sa kaniyang ikalimang SONA noong Lunes ang kontrobersiya sa flood control projects, mga hakbang upang mapababa ang mataas na singil sa kuryente at presyo ng langis, at ang paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here