Home NATIONWIDE Malalakas na ulan inaasahan sa ilang bahagi ng Luzon

Malalakas na ulan inaasahan sa ilang bahagi ng Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang ilang bahagi ng Luzon nitong Martes ng hapon dahil sa habagat.

Ayon sa weather bulletin alas-12:30 ng tanghali, inaasahang makakaranas ng malalakas na ulan, pagkidlat at malalakas na hangin sa loob ng dalawang oras ang:

-Laguna

-Nueva Ecija

-Bulacan

-Rizal

Samantala, nakararanas na ng malakas hanggang matinding ulan at thunderstorms ang Quezon, na maaaring magpatuloy sa loob ng dalawang oras at makaapekto rin sa mga karatig-lugar.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na posible ring makaranas ng pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa hapon dahil sa habagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here