Naghain si Senator Erwin Tulfo ng panukalang batas na naglalayong alisin ang system loss charge, kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Senado ng Pilipinas sa Pasay City noong Martes, Hulyo 28, 2026. Layunin ng panukalang ito na tanggalin ang power distribution charge na pasan ng mga konsumidor ng kuryente, bilang bahagi ng mga hakbang upang gumaan ang pasanin sa tumataas na singil sa kuryente. CESAR MORALES