Home METRO Robbery suspects huli habang nagbubutingting ng baril

Robbery suspects huli habang nagbubutingting ng baril

1
0

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang robbery suspect nang maaktuhan ng pulisya habang binubutingting ang hawak na baril sa isang eskinita sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na si alyas “Roger”, 34. residente ng lungsod.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ operation ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief/Col. Joey Goforth nang maaktuhan nila ang suspek na abala umano sa pagbutingting ng hawak na baril sa isang eskinita.

Kaagad nilang nilapitan ang suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang hawak na isang kalibre .45 baril na may tatlong bala.

Nang walang naipakita ang suspek na mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay agad siyang pinosasan ng mga pulis.

Sa isinagawang beripikasyon, napag-alaman ng pulisya na ang suspek ay naiugnay sa isang insidente ng Robbery with Serious Physical Injury noong July 19, 2026. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here