Home NATIONWIDE LPA, easterlies magpapaulan sa Luzon

LPA, easterlies magpapaulan sa Luzon

3
0

MANILA, Philippines — Patuloy na magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Huwebes ang low pressure area (LPA) at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dakong alas-3 ng madaling araw, namataan ang LPA sa baybaying-dagat ng Nasugbu, Batangas. Gayunman, sinabi ng PAGASA na maliit pa rin ang posibilidad na maging tropical cyclone ito sa loob ng susunod na 24 oras.

Magdudulot ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Makakaranas din ang Cagayan Valley ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar.

Samantala, makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng isolated rain showers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms. Posible ring magdulot ng flash floods o landslides ang matitinding thunderstorms.

Iiral sa buong bansa ang mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang kondisyon ng karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here