Home METRO 2 ‘Amazona’ utas sa engkuwentro sa OrMin

2 ‘Amazona’ utas sa engkuwentro sa OrMin

3
0

ORIENTAL MINDORO — Dalawang hinihinalang babaeng miyembro ng New People’s Army ang nasawi, habang isa pa ang nahuli matapos ang mahigit 30 minutong engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng Philippine Army sa Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro nitong Miyerkoles.

Nagsimula ang bakbakan dakong alas-1:30 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng Army’s 76th Infantry Battalion at mga hinihinalang kasapi ng NPA na nasa ilalim umano ng lider na kilala bilang “Ka Floro.”

Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, commander ng 203rd Infantry Brigade, pinaniniwalaang mga estudyante ang dalawang nasawi. Isa pang hinihinalang babaeng rebelde ang naaresto sa engkuwentro.

Sinabi ni Barangay Chairman Israel Salunar na nasa limang pamilya ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan nang sumiklab ang labanan sa lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here