Home METRO P10.2-M ‘bato’ nasamsam sa bebot sa Iligan City

P10.2-M ‘bato’ nasamsam sa bebot sa Iligan City

2
0

ZAMBOANGA CITY — Arestado ang isang 34-anyos na babae matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Saray, Iligan City nitong Martes.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang suspek sa alyas na “Richie,” residente ng Barangay Tubod, Iligan City. Naaresto siya sa operasyong isinagawa dakong ala-1 ng hapon katuwang ang Iligan City Police Station 5.

Nakatakas naman ang kaniyang hinihinalang kasabwat na kinilalang alyas “Mark” at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Narekober sa suspek ang humigit-kumulang 1.5 kilo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa vacuum-sealed transparent plastic, buy-bust money, isang mobile phone, at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hinimok din ng PDEA-9 ang mga residente ng Iligan City na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here