Home METRO Engkuwentro sa Abra, sumiklab sa gitna ng security ops

Engkuwentro sa Abra, sumiklab sa gitna ng security ops

3
0

ABRA, Philippines – Nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at humigit-kumulang 10 armadong lalaki noong Agosto 2 sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra.

Ayon sa 503rd Infantry Brigade, nakasagupa ng Alpha Company ng 50th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Joseph M. Gabinay ang armadong grupo habang nagsasagawa ng security operations sa lugar.

Sinabi ng 5th Infantry Division na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ang mga armadong lalaki.

Wala pang inilalabas na impormasyon tungkol sa mga nasawi o nasugatan sa engkuwentro.

Ayon sa 503rd Infantry Brigade, maglalabas pa sila ng karagdagang detalye matapos makumpirma ang mga impormasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here