Home NATIONWIDE Malakanyang, ipinaubaya na sa Ombudsman pagpataw ng preventive suspension kay Pujalte

Malakanyang, ipinaubaya na sa Ombudsman pagpataw ng preventive suspension kay Pujalte

4
0

MANILA, Philippines – Ipinaubaya na ng Malakanyang sa Tanggapan ng Ombudsman ang pagpapataw ng preventive suspension laban kay Health Secretary Jose “Brix” Pujalte Jr. kasunod ng paghahain ng reklamo laban sa kanya.

Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, naiakyat na kasi sa Ombudsman ang mga reklamo laban sa kalihim.

“Nasa hurisdiksiyon na rin po ng Ombudsman kung siya ay kinakailangan na patawan ng preventive suspension para sa mas malinis na pag-iimbestiga sa naturang reklamo,” ani Castro.

Tinanong kasi si Castro kung naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang ilalagay sa ilalim ng preventive suspension Si Pujalte.

Aniya, hindi pa siya nakatatanggap ng anumang impormasyon na nagpapahiwatig na pinag-usapan na nina Pangulong Marcos at Pujalte ang nasabing usapin.

Naunang inireklamo si Pujalte sa Presidential Complaint Center kaugnay sa umano’y paglalaro nito sa casino at gumamit pa umano ng mga alyas para makapagsugal na mahigpit na ipinagbabawal ng Civil Service Commission para sa mga tauhan at opisyal ng pamahalaan.

Ang rekllamo ay inihain isang linggo matapos na itanggi ni Pujalte ang alegasyon na idinadawit siya sa pagsusugal sa casino sa Parañaque City. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here