Home METRO Bagong 2ID chief, tututok sa seguridad at kapayapaan

Bagong 2ID chief, tututok sa seguridad at kapayapaan

1
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Donald M. Gumiran ang Change of Command sa 2nd Infantry Division na ginanap kahapon sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal.

Itinalaga bilang bagong Commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army si Major Gen. Arsenio DC Sadural (incoming commander, 2ID PA), na pinamumunuan ni Major Gen. Ramon P. Zagala (outgoing commander, 2ID PA).

Ayon sa mensahe ni Maj. Gen. Sadural, ibinahagi niya ang kanyang pananaw at direksyon ng pamumuno matapos manumpa sa tungkulin sa panahon ng mahalagang transisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa internal security tungo sa external security operations.

Aniya, ang lugar na kanyang kinatatayuan ay sumasalamin sa kultura ng serbisyo, disiplina, at kahusayan na hindi lamang mga salita kundi isang paraan ng pamumuhay—ang “Gallant Fighters’ Way of Life.”

Ibinahagi rin ng nasabing opisyal na noong nakalipas na mga buwan ay matagumpay nitong naisakatuparan ang pagtugon sa lahat ng mga banta sa kanyang assignment, na isang napakalaking ambag sa deklarasyon ng matatag na kapayapaan at seguridad.

Bago pamunuan ni Maj. Gen. Sadural ang 2nd Infantry Division PA ay itinalaga ito sa General Headquarters bilang Deputy Chief of Staff for Education and Training (J8) sa loob ng anim na buwang panunungkulan.

Bukod dito, naniniwala ang naturang opisyal na matapos nitong maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga layunin sa mga nauna umano nitong assignment at bilang bagong Commander ng 2nd Infantry Division PA ay bahagi ito ng plano ng Diyos para ihanda siya sa mas mataas na antas ng pananagutan.

“Indeed, Almighty God is our Great Planner who unfolds His plans in His rightful time. To God be all the glory,” ani Maj. Gen. Sadural.

Binigyang-diin ni Maj. Gen. Sadural na isang malaking karangalan at hamon ang pamunuan ang 2nd Infantry Division sa panahong nahaharap ang bansa sa iba’t ibang hamon sa pambansang seguridad. Iilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataong mamuno sa ganitong mahalagang tungkulin sa AFP.

Binanggit din ng opisyal bilang gabay sa kanyang panunungkulan ang kasabihang, “I shall pass this way but once. Any good that I can do, let me do it now, for I shall not pass this way again.”

Inihayag ni Sadural ang kanyang strategic leadership focus na “SECURE,” isang acronym na nakaayon sa direksyon ng Higher Headquarters na sumasagisag sa layuning maging matatag ang kaligtasan, kapayapaan, at seguridad sa lahat ng nasasakupan ng 2nd Infantry Division.

/Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here