Home HOME BANNER STORY Higit 9K barangay nanganganib sa landslide, baha – MGB

Higit 9K barangay nanganganib sa landslide, baha – MGB

3
0
(Image Representation Only)

MANILA, Philippines – May banta ng pagbaha at landslide ang nasa 9,096 barangay sa bansa, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) nitong Sabado, Agosto 8.

Sa datos mula sa PAGASA, tinaya ng MGB na mula Agosto 8 hanggang Agosto 11, ang Ilocos Region ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na nanganganib sa naturang mga banta, sa 2,933.

Ang banta ay kasunod ng malalakas na mga pag-ulan dahil sa Bagyong Maymay at Habagat.

Samantala, ang Central Luzon ay may 1,997 barangay na at risk sa landslides, habang ang Calabarzon ay may 1,806.

May malaking bilang din ng mga barangay na may kaparehong banta ng baha at landslide ang Metro Manila sa 1,403.

Kabilang dito ang mga barangay sa Maynila, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, at iba pa.

Ang Cordillera Administrative Region naman ay may 707 barangays, habang nanganganin din ang 47 barangay sa Cagayan Valley.

Maaaring makaranas ang mga lugar na ito ng ulan na nasa 50 mm.

Samantala, 113 barangay sa MIMAROPA at 90 barangay sa Western Visayas ang maaaring makaranas ng ulan na mula 100 hanggang 150 mm.

“Residents in listed areas and those nearby or downstream are urged to remain vigilant and take necessary precautions,” sinabi ng MGB. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here