Bulacan – Arestado ang isang indibiduwal nang tangkaing holdapin ang gasolinahan sa bayan ng San Rafael nitong Agosto 8 ng madaling araw.
Sa ulat ni PLTCOL Lawrence Gerald Bathan, Acting chief of police ng San Rafael police station, naganap ang insidente bandang 3:50 ng madaling araw sa Brgy. Sampaloc.
Ayon sa ulat, dumating ang suspek kasama ang dalawang hindi nakilalang mga kasamahan lulan ng motorsiklo at nagpanggap na customer
Nabatid na bumaba ang suspek na armado ng kitchen knife na agad tumungo sa cashier booth at puwersahang binuksan ang pintuan nito subalit nai-lock ito ng cashier.
Nang hindi magtagumpay ay nilapitan naman nito ang pump attendant at nagdeklara ng holdap habang hinihingi kung masaan ang pera.
Agad naman rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa maabutan ang suspek na patuloy binubuksan ang cashier booth kaya ito naaresto habang tumakas naman ang mga kasamahan at iniwan ang motorsiklo.
Sa body frisk, nakumpiska sa suspek ang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa panghoholdap at dalawang heat-sealed transparent sachets ng hinihinalang shabu.
Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan na nahaharap sa kaukulang kaso at kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon. Dick Mirasol III