Home NATIONWIDE Pinsala sa agrikultura dahil sa habagat, Luis, Maymay umabot na sa P135.3M

Pinsala sa agrikultura dahil sa habagat, Luis, Maymay umabot na sa P135.3M

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa ₱135.3 milyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa Habagat at mga bagyong Luis at Maymay, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Lunes.

Ayon sa paunang pagsusuri ng DA, naapektuhan ang Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas, at umabot sa 4,516 ektarya ng mga sakahan ang napinsala.

Kabilang sa mga naapektuhan ang palay, mais, high-value crops, livestock, imprastraktura, makinarya, at kagamitan.

Sa kabuuang pinsala:

–Palay: ₱102.01 milyon

–Mais: ₱4.05 milyon

–High-value crops: ₱11.92 milyon

–Livestock at poultry: ₱43,600

–Irrigation facilities: ₱16.1 milyon

–Farm structures: ₱1.2 milyon

Nagdulot din ang masamang panahon ng 4,465 metric tons na pagkawala ng produksyon at nakaapekto sa 6,010 magsasaka.

Sinabi ng DA na maaaring makakuha ang mga apektadong magsasaka ng ₱106.5 milyong halaga ng farm inputs tulad ng binhi ng palay, mais, at gulay.

Maaari rin silang umutang ng hanggang ₱25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here