SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – Isang pang barko na may lulang walong (8) container van na naglalaman umano ng mga suspected {electronic}Waste, ang muling naharang ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic na nagmula sa Estados Unidos (USA).
Nakumpirma ito mula sa Customs Port of Subic matapos maharang at hindi pinayagang maibaba ang walong (8) 40 ft container van na naglalaman umano Toxic/Electronic Waste na karga o lulan ngĀ panibagong barkong dumating na “AS Simone” sa Subic Bay Freeport mula sa America.
Batay sa ulat, dumating sa pantalan ang barkong AS Simone nitong sabado, August 8, 2026 sa kasagsagan ng pananalasa ng Habagat sa naturang pantalan.
Alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, ipinag-utos ni Customs Port of Subic District Collector Atty.Genieffelle Lagmay sa kanyang mga tauhan na huwag idiskarga sa pantalan ang walong (8) container na naglalaman umano ng mga E-Waste.
Ang hakbang ng Customs ay bunsod ng patuloy na pagtupad ng Pilipinas bilang kasapi sa kasunduan ng Basel Convention (Treaty), gayundin sa pagtupad sa probisyon ng batas sa ilalim ng Republic Act No.6969 o ang ” Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.”
Sa talaan, ang United States of America (USA) ay hindi kasapi sa Basel Convention.
Matatandaan nitong nakaraang buwan ng July 22, 2026, unang hinarang ng mga awtoridad ang barkong MV Tokyo Express na may lulang E-Waste na hindi pinayagang maibaba sa naturang pantalan. (ROEL TARAYAO)