Home HOME BANNER STORY Direktang Manila–Los Angeles Flight sa 2027, patunay ng matibay na ugnayan ng...

Direktang Manila–Los Angeles Flight sa 2027, patunay ng matibay na ugnayan ng PH, US

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton na ang planong direktang biyahe ng Delta Air Lines sa pagitan ng Manila at Los Angeles ay patunay ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa isang post sa X, sinabi ni Lipton: “I’m so excited that Delta Airlines is starting nonstop flights between Manila and Los Angeles soon! This is what STRONG partnerships deliver!”

Magsisimula ang unang nonstop flight ng Delta mula Los Angeles (LAX) patungong Manila (MNL) sa Marso 28, 2027.

Sa simula, tatlong beses kada linggo ang biyahe, at magiging araw-araw simula Hunyo 7, 2027 gamit ang Airbus A350-900.

Ayon sa Delta, sila ang kauna-unahang US airline na mag-aalok ng nonstop service sa rutang Los Angeles–Manila, habang patuloy ring may direktang biyahe ang Philippine Airlines sa parehong ruta.

Sinabi ng Delta na ang bagong serbisyo ay magpapalawak ng kanilang Asia-Pacific network at magbibigay ng mas maraming pagpipilian sa mga biyahero, kabilang ang mga Pilipinong bumibisita sa pamilya, mga negosyante, at mga turista.

Ayon naman sa Los Angeles World Airports, ang bagong ruta ay magbibigay ng isa pang direktang koneksyon sa pagitan ng Southern California at mga pamilyang Pilipino at komunidad sa US. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here