Home NATIONWIDE Polling site sa BARMM na bahain, binabantayan ng Comelec

Polling site sa BARMM na bahain, binabantayan ng Comelec

3
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga paaralang maaaring bahain na gagamitin bilang polling sites para sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, sinusuri ng Comelec ang mga paaralan lalo na sa Maguindanao del Sur at Lanao del Sur, upang matiyak na may alternatibong voting centers kung magkaroon ng malakas na ulan sa araw ng halalan.

Sinabi ni Garcia na ang pangunahing alalahanin ng Comelec ay ang mga eskuwelahang maaaring bahain, ngunit sa ngayon ay wala pa silang nakikitang dahilan upang ipagpaliban ang halalan at ligtas ang kanilang mga election equipment.

Nakatakda ang unang BARMM parliamentary elections sa Setyembre 14.

Tiniyak din ng Comelec na kahit masama ang panahon, maipapadala pa rin ang mga boto sa tatlong data centers ng Comelec at lalabas ang mga ito sa kanilang mga server.

Natapos na rin ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota noong huling bahagi ng Hulyo, habang nagsimula ang election period noong Hulyo 16, kasabay ng pagpapatupad ng gun ban.

Nagpadala na rin ang Philippine Army ng karagdagang tropa sa BARMM upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na halalan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here