Home METRO Marikina LGU naglatag ng mas malaking flood pumps para sa mas mabilis...

Marikina LGU naglatag ng mas malaking flood pumps para sa mas mabilis na paghupa ng baha

3
0

MANILA, Philippines – Nagpakalat ang pamahalaang lungsod ng Marikina ng mas malalaking mobile booster flood pumps upang mapabilis ang pag-alis ng baha sa mga Barangay Malanday at Tumana.

Ayon kay Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro, ang mga bagong kagamitan ay may kakayahang magbomba ng tubig na tatlong beses na mas malaki kumpara sa mga kasalukuyang nasa Tumana Pumping Station.

Layunin nito na mapataas ang dami ng tubig na nailalabas kada oras at mabilis na mailabas ang naipong baha patungo sa mga daluyan ng tubig.

Ang hakbang na ito ay isinagawa matapos maapektuhan ng pagbaha ang mga nasabing lugar noong nakaraang Linggo, Agosto 9, dahil sa pansamantalang hindi paggana ng nasabing pumping station.

Agad na ipinaalam ng LGU sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang problema. Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Dizon na may paparating na teknisyan upang kumpunihin ang pasilidad at magpapadala rin ang ahensya ng karagdagang mobile pump. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here