Home METRO 4 na lalaki, huli sa pagpuslit ng smuggled cigarette sa checkpoint

4 na lalaki, huli sa pagpuslit ng smuggled cigarette sa checkpoint

3
0

DIADI, Nueva Vizcaya – Hindi nakalusot sa anti-criminality checkpoint ng kapukisan ang apat (4) na lalaki na nakatakda sanang magpuslit ng smuggled cigarette sa  Barangay Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya, dakong 1:30 ng madaling araw (Agosto 10, 2026).

Sa pinaigting na kampanya laban sa mga smuggled cigarette na direktiba ni PBGen. Mariano Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02 ay nahuki ang mga suspek na sina alyas JHON, 35-anyos na nagsilbing drayber na nakatira sa Brgy. Pinili, San Jose, Nueva Ecija kasama ang tatlong na sina alyas JV, 36-anyos na negosyante, alyas ARIEL, 27 anyos na helper at alyas JC, 22-anyos na isa ring  helper,na pawang nakatira sa  Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.

Nanguna sa operasyon ang mga kapulisan ng 2nd Manuver Platoon at 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company  na nagdulot para nahuli ang apat(4) na indibidwal.

Umabot sa Php256,704.00 ang ilegal items na nakuha sa mga suspek na umanoy isinakay sa puting Toyota Hilux na  mula  sa Nueva Ecija patungong Isabela.

Sa pagkapara sa Checkpoint, nakita ng mga Pulis ang isang nakatagilid at bahagyang nakabukas na malaking kahon ng sigarilyo at nang hingan ng legal na dokumento para sa pagmamay-ari at pagbiyahe ng mga paninda ay walang maipakita ang mga ito na dahilan ng kanilang pagkaka-aresto.

Narekober sa sasakyan ang 200 reams ng Carnival cigarettes, isang malaking kahon ng 90 reams ng Modern cigarettes, isang maliit na kahon ng 10 reams ng Modern cigarettes at ang Toyota Hilux pick-up na isinailalim sa imbentaryo.

Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8424 o National Internal Revenue Code of 1997 na oansamantala nakapiit sa himpilan ng pulisya. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here