Home METRO Pulis nalunod habang sinasagip mga kasamahan sa NegOcc

Pulis nalunod habang sinasagip mga kasamahan sa NegOcc

3
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang pulis sa Cadiz City, Negros Occidental habang sinasagip ang mga kasamahan sa isang water patrol.

Kinilala ang nasawi na si Master Sergeant Fernando Marfa, 40, na nagpapatrolya sa ilog sa Barangay Luna kasama ang tatlong miyembro ng Bantay-Dagat team.

Bigla na lamang umanong pumasok sa kanilang motorboat ang tubig dahilan upang magtalunan ang mga ito sa ilog.

Dahil sa malakas na current ay tinangay ang dalawa sa mga kasamahan ni Marfa.

Sinubukan niyang lumangoy patungo sa mga ito ngunit maging siya ay tinangay din ng malakas na current at kalaunan ay nalunod.

“Ang dalawa, ti-nry niyang tulungan at siya ay napunta sa area na malakas ang current,” sinabi ni P/Lieutenant Daleen Grace Loreno, Deputy Chief ng Cadiz City Police Station.

Kalaunan ay nakita ang katawan ni Marfa na agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay.

Ligtas naman ang lahat ng mga kasamahan nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here