Home NATIONWIDE 22 marinong Pinoy nakauwi matapos maipit sa sigalot sa ibang bansa

22 marinong Pinoy nakauwi matapos maipit sa sigalot sa ibang bansa

3
0

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas noong Lunes, Agosto 10, ang 22 Pilipinong marino mula sa dalawang barkong inatake sa magkahiwalay na insidente sa ibang bansa.

Sinalubong sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Ang 14 na tripulante ng MT Acheloos ay dumating sakay ng Qatar Airways Flight QR932. Tinamaan ng misayl ang kanilang barko habang naglalayag malapit sa Oman noong Hulyo 20. Tinulungan sila ng Philippine Embassy sa Muscat habang naghihintay ng repatriation.

Samantala, ang 8 marino mula sa MV Else, na naipit sa drone strikes sa Black Sea, ay umuwi sakay ng Turkish Airlines Flight TK084.

Nagbigay ang OWWA at DMW ng airport assistance, espesyal na tulong-pinansyal, at koordinasyon sa Licensed Manning Agencies para sa medical check-up, pansamantalang matutuluyan, at iba pang suporta bago muling makasama ng mga marino ang kanilang mga pamilya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here