Home NATIONWIDE Priorities ng Defense Team ni VP Sara, kinuwestiyon ni Kapunan: ’Na-‘Indian’ po...

Priorities ng Defense Team ni VP Sara, kinuwestiyon ni Kapunan: ’Na-‘Indian’ po kami’

3
0

MANILA, Philippines – Lantarang kinuwestiyon ni House Prosecution Lorna Kapunan ang ibinibigay ng prayoridad ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial matapos itong (defense) mabigong makipag-kita hinggil sa kautusan ng korte sa pagmamarka ng ebidensiya.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, sinabi ni Kapunan na dapat bigyan ng mas higit na prayoridad ng Defense Team ni VP Sara ang impeachment trial dahil parang “ginagago sila” sa usapin na nakalatag sa korte.

Isinagawa ito ni Kapunan sa kanyang manipestasyon sa impeachment trial nitong Martes matapos mabigo ang defense at prosecution na magkasundo hinggil sa schedule ng diskusyon sa 4,492 documents na ilalantad na susunod na testigo.

“I think they should give this more priority… Ikaw ba naman. August 14, Friday. E di tapos na yung witness ko,” ayon kay Kapunan sa media.

Idinagdag pa ni Kapunan na  “Parang ginagago nyo kami… I cannot predict their tactics but certainly this is violating the court’s order.

Ikinatuwiran naman ng depensa na hindi sila nakipagkita sa prosecution noong Agosto 14 sa kabila ng ruling ng korte na pinapayagan ang naturang kumperensiya mula Agosto 6 hanggang Agosto 10.

Saka itinulong ang paglilitis pero nagbigay naman ng manipestasyon muli si Kapunan sa impeachment court na binalewala ng defense ang kanilang panig noong nakaraang linggo nang subukan nilang magtakda ng panahon para sa pagkukumpara ng exhibits sa korte.

“Na-‘Indian’ po kami. Wednesday, we made a text message: When do we meet, Thursday or Friday? Wala pong sagot. On Thursday, we waited the whole day. ‘Kelan tayo magme-meet? Thursday na ngayon. Friday na bukas…’ Wala pa ring sagot on Thursday,” aniya.

Giit pa ni Kapunan na “On Thursday, we waited the whole day. ‘When will we meet? It’s Thursday now. Tomorrow is already Friday.’ Still no answer on Thursday.”

Sinabi ni Kapunan na sumagot lamang ang defense sa huling araw ng workday nitong Huwebes noong nakaraang linggo na nagsasabing puwede silang makipagkita sa Agosto 14.

“August 14? What good will that do to us? The hearing is today, August 10, and they want to us to appear before the clerk of court on August 14. For what purpose, Your Honor?” tanong ni Kapunan.

Sinabi pa ni Kapunan na ikinakatuwiran ng defense na walang espisipikong petsa ang impeachment court kung kailan puwedeng magkita ang magkabilang panig dahil naitakda ito noong huling paglilitis. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here