Home NATIONWIDE Medical leave ni Sen. Loren Legarda pinalawig ‘gang Agosto 12

Medical leave ni Sen. Loren Legarda pinalawig ‘gang Agosto 12

3
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng dalawang araw ang medical leave ni Senador Loren Legarda, ayon kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr.

Ayon kay Bantug, ipinaalam ng opisina ni Legarda na siya ay naka-medical leave mula Agosto 11 hanggang 12, 2026.

“Sen. Loren Legarda’s office wrote me to inform that ‘Senator Legarda will be on medical leave from 11 to 12 August 2026,’” aniya.

Nauna nang kinumpirma ni Legarda na nagsumite siya ng pormal na medical leave mula Agosto 3 hanggang 5, 2026, “in accordance with Senate rules.”

Hiniling din niya sa publiko na huwag magbigay ng “unwarranted conclusions” tungkol sa kanyang medical leave at paglalakbay.

Nauna nang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na bumiyahe si Legarda patungong France, habang ang kanyang anak na si Representative Leandro Leviste ay nagtungo sa Hong Kong.

Nahaharap ang mag-inang mambabatas sa mga reklamong plunder at graft kaugnay ng umano’y kabiguan ng renewable energy firm ni Leviste na magbigay ng solar power ayon sa itinakda ng prangkisa nito sa Kongreso.

Ipinaliwanag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na isinama si Legarda sa kaso dahil nakuha umano ni Leviste ang prangkisa habang si Legarda ang Senate Finance chair noong 2019. Itinanggi nina Legarda at Leviste ang mga paratang. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here