Home NATIONWIDE PNP may lead na sa nasa likod ng anti-China caskets sa Metro...

PNP may lead na sa nasa likod ng anti-China caskets sa Metro Manila

3
0

MANILA, Philippines – May mga lead na ang Philippine National Police (PNP) tungkol sa mga nasa likod ng limang kabaong na may anti-China na mensahe na iniwan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sinabi niya, “Mayroon nang mga leads.”

Dagdag pa niya, “It’s being followed up (by the NCRPO). Tinitignan, vine-verify at inau-authenticate yung mga information. Once they have finished the investigation, we will provide you with the complete details and the result.”

Natagpuan ang mga kabaong noong Biyernes ng umaga sa Boy Scout Circle at Welcome Rotonda sa Quezon City, Santa Cruz sa Maynila, Buendia Avenue sa Makati City, at Barangay 54 sa Caloocan City.

Makikita sa mga larawang inilabas ng NCRPO ang isang banner na may nakasulat na “Chinese Communist Party, greedy! Salot! (Pest!)” at mga larawan nina Chinese President Xi Jinping, Chinese Foreign Minister Wang Yi, at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente, habang sinabi ng Chinese Embassy in Manila na ang mga kabaong ay “a blatant act of political provocation, personal attack, and intimidation and threat, of a most egregious nature.”

Ayon kay Co, “It’s too early to conclude. It’s premature, I would think, [to conclude] kung ano yung kanilang purpose.”

Noong Biyernes ng gabi, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na natunton na nila ang driver ng van na nagbaba ng kabaong sa Welcome Rotonda.

Ayon sa driver, ilang sasakyan ang ginamit sa paghahatid ng limang kabaong at binayaran ang bawat driver ng P8,000 at bawat helper ng P1,000. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here