Home ENTERTAINMENT Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama!August 11, 2026 19:4910 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kapuso actor Kelvin Miranda has yet to forgive the one who ran over and killed his father.Tinanong kasi ang aktor sa Ogie Diaz Updates kung napatawad na ba niya ang nakabangga sa ama.But this is not to say na hindi daw marunong magpatawad si Kelvin.Dahilan–tila wala daw sinseridad ang taong ‘yon noong magkita sila sa presinto.Matatandaang nabangga ang ama ng aktor ng van sakay ng motor.May edad na din daw ang nakabangga–kaso’y tila wala daw itong remorse o pagsisisi sa nangyari.Naglaro tuloy sa isip ni Kelvin ang maaari niyang gawin sa driver, to the point na idaan ‘yon sa pisikalan to avenge his father’s untimely death.May pagkabastos din daw kasi kung sumagot ang nakabangga: “I could have harmed him with the way he talked!”Buti na lang, umiral sa aktor ang paalala ng ama noong buhay pa: huwag na huwag mananakit.Kelvin had to calm himself.Patuloy pa din daw siyang naghahanap ng hustisya. Ronnie Carrasco III