Home NATIONWIDE Flood control program may pondo sa 2027 budget

Flood control program may pondo sa 2027 budget

1
0

MANILA, Philippines – Mula sa zero budget noong 2026, pinaglaanan na ng P107.4 Billion ang flood control program sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program(NEP).

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon kailangan nang pondohan ang flood control programs dahil may mga proyekto na dapat na ituloy, aniya, sa nasabing budget nasa P19.6 Billion ang para sa capital outlay, P3.41 Billion ang flood control programs sa ilalim ng MMDA, kasama dito ang pagmaintain at operasyon ng mga flood control structures kabilang ang mga pumping stations.

“hindi maaaring pabayaang nakatiwangwang ang mga nasimulan nang proyekto, ngayon panabon ng nag-uulan nakita natin yung kahalagahan na magkaroon ng maayos na flood control projects, kaya sa 2027 NEP ay kinunsidera ang pagbalik ng alokasyon para sa flood control” paliwanag ni de Leon.

Matatandaan na dahil sa kontrobersiya sa flood control kung saan nabunyag ang mga ghost projects ay ipinatupad ni Pangulong Bongbong Marcos ang zero budget noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ng DBM na mayroong mga “safeguards” na ipatutupad upang matiyak na ang pondo ay malalaan sa proyekto at hindi maulit ang mga ghost projects.

“Kasama rin sa ating mga bubusisiin ay ang  ang implementation ng mga flood control projects na ito. From appropriations to release, this will be made public sa pamamagitan ng ating compass and their implementation will be closely monitored sa pamamagitan ng transparency portal ng DPWH,  gayon din ng project DIME ng DBM  o yung tinatawag natin digital imaging ) for monitoring and evaluation”paliwanag ni de Leon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here