MANILA, Philippines – Ipinamahagi ni Vice President Sara Duterte ang kanyang confidential funds sa Department of Education (DepEd) sa iisang petsa ngunit magkakaibang lugar sa buong kapuluan mahigpit na tinutulan ng Commission on Audit (COA).
Natuklasan sa dokumento na isinumite ng DepEd sa COA, na inilatag sa impeachment court na lumilitis sa kasong kinahaharap ni Duterte sa paglulustay ng pondo ng bayan na aabot sa 1.080 acknowledgement receipts (ARs)
Bilang kalihim ng sangay ng edukasyon, nagsumite si Duterte ng naturang bilang ng resibo bilang kalakip sa 2024 Audit Observation Memorandum (AOM) upang suportahan ang paggastos ng ahensiya sa confidential funds sa una at ikalawang yugto ng 2023.
Isinumite ang naturang listahan ng ARs sa Impeachment Court sa ginanap na direct examination ni private prosecutor Lorna Kapunan sa prosecution witness Xylene del Campo, isang auditor ng COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office.
Sa unang bahagi ng 2023, binanggit ni Kapunan ang pagbabayad na isinagwa sa mga sumusunod na recipients at lugar:
Sa isang punto, nilinaw naman ni presiding officer Sen. Francis Escudero kung ang nakatalang address sa resibo na tumutukoy sa address o lokasyon na kung saan isinagawa ang pagbabayad.
“Since these are documents evidencing payment, the address indicated here is where the payment was made,” ayon sa testigo.
Sa pagbanggit ng 15 joint circular, sinabi ni del Campo na dapat gamitin ang confidential funds ng isang special disbursing officer(SDO). Sa kaso ng DepEd, itinalaga ni Duterte si
Edward Fajarda bilang SDO para sa secret funds.
“Is it correct to say, and please correct me if I’m wrong, that the SDO visited all of these locations in a single day?” tanong ni Kapunan. Ernie Reyes