CHINA – Magdaros ng drill ang Chinese at Indonesian navies sa sensitibong katubigan sa silangan ng Taiwan, ayon sa defense ministry ng China nitong Martes, Agosto 11.
Sa pahayag, sinabi ng defense ministry ng China na sa kalagitnaan ng Agosto ay magsasagawa ang Chinese navy warship ng isang joint “navigation exercise” kasama ang Indonesian navy ship sa katubigan sa silangan ng Taiwan bagamat hindi ibinigay ang eksaktong lokasyon.
“The exercise will focus on communication drills and at-sea replenishment, aiming to enhance the joint operational capabilities of the two navies, deepen practical cooperation, and jointly safeguard regional peace and stability,” dagdag pa.
Wala pang tugon ang defense ministry ng Taiwan at navy ng Indonesia kaugnay nito. RNT/JGC