Home NATIONWIDE Raffy Tulfo nababahala sa panukalang Pax Silica site sa Tarlac

Raffy Tulfo nababahala sa panukalang Pax Silica site sa Tarlac

2
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pangamba si Senador Raffy Tulfo kaugnay sa planong Pax Silica site sa Tarlac.

Sa privilege speech nitong Martes, Agosto 11 ay tinukoy ni Tulfo ang kaso ng Chuangxing Steel Incorporated, isang Pampanga-based manufacturing hub na nilusob ng mga awtoridad sa paggawa ng substandard na materyales.

Aniya, sa kabila ng paulit-ulit na violation at paglabag sa environmental laws, ay pinapayagan ang kompanya na mag-operate ng ilang taon na.

Paulit-ulit din na binibigyan ng lokal na pamahalaan ang Chuangxing ng business permits habang ang Department of Environment and Natural Resources ay nag-iisyu lamang ng notices of violation.

“Mr. President, the lessons from Chuangxing in Magalang, Pampanga must guide us as we look at another major development, the Pax Silica project. Pax Silica is about 300 times bigger than Chuangxing as far as size goes. And if we could not handle such a small company, how about this big development? Investments are welcome, but transparency and accountability are non-negotiable,” ani Tulfo.

Ayon sa senador, may magagandang ambag ang Pax Silica ngunit kailangan ding sagutin ang ilang katanungan na nakapaloob dito at ang isa rito ay patungkol sa dami ng tubig na magagamit ng pasilidad.

Bilang pinuno ng Committee on Public Services, sinabi ni Tulfo na malinaw na mayroong mga isyu sa suplay ng tubig.

Tinanong din ni Tulfo kung anong uri ng mga trabaho ang maibibigay ng Pax Silica.

“Estimates are not guarantees. Kung jobs, livelihood, at government revenues ang ipinapangako, dapat malinaw na bahagi ng agreement ang mga commitments na iyan,” dagdag ni Tulfo.

Naghain ang senador ng Senate Resolution 571 upang busisiin ang Pax Silica initiative.

Naghain na din sina senador Risa Hontiveros at Imee Marcos ng kaparehong hakbang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here