Home NATIONWIDE Alien Employment Permit ng 6 Chinese national kinansela ng DOLE sa labor,...

Alien Employment Permit ng 6 Chinese national kinansela ng DOLE sa labor, safety violations

1
0

MANILA, Philippines – Kinansela ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes, Agosto 11 ang Alien Employment Permits ng anim na Chinese national sa umano’y illegal employment at labor and workplace safety violations.

Ang anim na Chinese national ay iniuugnay sa ni-raid na steel facility sa Pampanga kung saan 10 ang nagpakita ng sintomas ng radiation exposure.

Napag-alaman na ang pasilidad ay pagmamay-ari ng Chuangxin Steel Incorporated.

Nabahala si Labor Secretary Francis Tolentino sa umano’y illegal employment ng mga foreign worker na dinala pa umano mula sa mainland China nang walang kaukulang dokumentasyon.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang steel facility ay bigong makapagpresenta ng basic employment records at hindi rin nababayaran ng tamang overtime at holiday wages ang mga manggagawa.

Bigo ring magbigay ang kompanya ng mandatory employee benefits, kabilang ang coverage sa ilalim ng Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG Fund, maging ang workplace sexual harassment policy o pagtatatag ng Committee on Decorum and Investigation.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang 10 manggagawa na na-expose sa radiation ay nakararanas ng pagsakit ng ulo, lagnat, pangangati ng balat, sipon at ubo.

Humingi rin ng kooperasyon ng Chuangxin ang DOLE sa pagtunton sa 33 empleyadong Chinese na hindi pa rin nahahanap.

Ini-refer na ng DOLE ang kaso ng anim na Chinese national sa Bureau of Immigration para sa nararapat na deportation proceedings.

Noong Hulyo 25 ay nag-isyu ang DOLE ng work stoppage order laban sa kompanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here