Home METRO Traffic enforcer itinumba ng sinitang motorista sa Cavite

Traffic enforcer itinumba ng sinitang motorista sa Cavite

3
0

MANILA, Philippines – Binaril-patay nang malapitan ng motoristang sinita nito ang isang traffic enforcer sa Dasmarinas, Cavite noong Linggo, Agosto 8.

Sa CCTV footage ay nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na damit na lumapit sa grupo ng mga traffic enforcer.

Agad nitong binunot ang baril, pinaputukan ang biktima at mabilis na tumakas.

Namatay ang biktima habang ginagamot sa ospital.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima at mga kasama nito ay naunang pinara ang suspek dahil sa traffic violation.

Naaresto naman ang suspek nitong Lunes, Agosto 10 kasunod ng manhunt operation ng mga awtoridad.

Nahaharap ito sa kabi-kabilang kaso kabilang ang murder. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here