BULACAN, Philippines – Nawawala ang limang menor de edad matapos silang tangayin ng malakas na agos ng Marilao River habang naliligo sa San Jose del Monte, Bulacan noong Lunes, ayon sa mga opisyal ng barangay.
Sinabi ng mga opisyal ng Barangay Gaya-Gaya na binalaan na nila ang mga kabataan na huwag lumangoy dahil sa mataas na tubig at malakas na agos ng ilog. Sa kabila nito, bumalik umano ang ilan sa kanila at tumalon muli sa ilog.
Patuloy ang search-and-rescue operations sa Marilao River at mga kalapit na lugar. RNT/MDS