Home TOP STORIES Higit 100 katao nailigtas sa nasunog na ferry sa Indonesia

Higit 100 katao nailigtas sa nasunog na ferry sa Indonesia

3
0

BALI, Indonesia – Mahigit 100 pasahero at tripulante ang nailigtas matapos masunog ang isang ferry malapit sa Bali, Indonesia noong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa manifest, hindi bababa sa 114 katao ang sakay ng ferry na bumiyahe mula Bali patungong Lombok nang sumiklab ang apoy.

Sinabi ni Muhamad Hariyadi, pinuno ng search and rescue agency sa Mataram, Lombok, na bineberipika pa ang kabuuang bilang ng mga sakay.

Inilikas ang mga pasahero gamit ang hindi bababa sa tatlong sasakyang pandagat, kabilang ang isang barko ng hukbong-dagat (navy ship) at isa pang ferry. May mga search and rescue vessel ding rumesponde at isang helicopter ang nagsagawa ng pagmamanman mula sa himpapawid.

Ayon kay Hariyadi, “As of now, we have not received any report of casualties.”

Dagdag pa niya, “We have approached the ship and confirmed that all passengers are no longer on board. We visually see no passengers on the ship.”

Ito ang ikalawang insidente ng sunog sa ferry sa loob lamang ng ilang araw sa Indonesia. Noong nakaraang linggo, limang katao ang namatay sa isa pang sunog sa ferry malapit sa Java.

Karaniwan ang mga aksidente sa dagat sa Indonesia, isang bansang may mahigit 17,000 isla na umaasa sa mga sasakyang pandagat para sa transportasyon. Itinuturing na pangunahing sanhi ng mga ganitong insidente ang mahinang pamantayan sa kaligtasan at pabago-bagong panahon.

Noong nakaraang buwan, lumubog ang isang ferry na may mahigit 70 sakay malapit sa Selayar, timog ng Sulawesi. Apat na bangkay ang narekober, habang 14 katao ang nananatiling nawawala. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here