Home METRO 16-anyos utas nang ma-trap sa balon

16-anyos utas nang ma-trap sa balon

3
0

KALINGA, Philippines – Isang 16-anyos na laborer ang namatay matapos ma-trap sa loob ng 17 metrong lalim na balon habang nagtatrabaho sa Barangay Taga, Pinukpuk noong Martes, Agosto 11.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alias Pullat, residente ng Barangay Junction, Pinukpuk. Narekober siya mula sa balon bandang 5:05 p.m., halos apat na oras matapos maiulat ang insidente.

Batay sa paunang imbestigasyon, tinatapos na ni Pullat ang trabaho sa loob ng balon kasama ang isang kasamahan nang magkaroon ng brownout, dahilan upang huminto ang blower na nagsusuplay ng hangin sa loob ng masikip na espasyo.

Sinubukan umano ng kanyang kasamahan na hilahin siya palabas gamit ang pulley, ngunit nag-panic at humingi na lamang ng tulong.

Ilang oras na nagtrabaho ang mga rumespondeng awtoridad bago tuluyang maiahon ang biktima.

Ayon kay Pinukpuk police Chief Capt. Tyrone John Balanay, idineklarang patay sa lugar ang biktima.

Sinabi ng pulisya na maaaring ang pagkawala ng suplay ng hangin mula sa blower ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit hindi pa tiyak ang eksaktong dahilan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here