Home NATIONWIDE Concurrence ng Senado sa VFAs sa New Zealand, Canada pinuri ng DND

Concurrence ng Senado sa VFAs sa New Zealand, Canada pinuri ng DND

1
0

MANILA, Philippines — Pinuri ng Department of National Defense (DND) ang unanimous concurrence ng Senado sa dalawang kasunduang magpapalakas sa defense at diplomatic cooperation ng Pilipinas sa Canada at New Zealand.

Noong Martes, Agosto 11, nagkakaisang inaprubahan ng mga senador sa botong 19-0 ang Senate Resolution No. 548 o Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa Canada at Senate Resolution No. 459 o SOVFA sa New Zealand sa third reading.

Layunin ng SOVFA na maglatag ng malinaw na legal na balangkas para sa joint military exercises, intelligence at information sharing, gayundin sa humanitarian at disaster relief operations.

Ayon sa DND, patunay ang unanimous concurrence ng Senado sa kahalagahan ng dalawang kasunduan sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa mga katuwang na bansa.

“The Senate’s unanimous concurrence is a testament to the significance of these agreements, which will substantially enhance our interoperability, joint training, and practical cooperation between the Armed Forces of the Philippines and our Canadian and New Zealand counterparts,” pahayag ng DND.

Sinabi rin ng ahensya na maaasahang partners ng Pilipinas ang Canada at New Zealand sa pagsusulong ng rules-based international order at pagtugon sa mga magkakatulad na banta sa Indo-Pacific.

Inaasahan ding mapalakas ng mga kasunduan ang humanitarian, disaster response at defense cooperation ng Pilipinas sa dalawang bansa.

Binigyang-diin ng DND ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga bansang may kaparehong paninindigan para sa isang malaya, bukas at ligtas na Indo-Pacific.

Sinabi ng ahensya na makatutulong din ang mga partnership sa pagpapatibay ng self-reliant at credible deterrent posture ng bansa, kabilang ang pagprotekta sa teritoryo at maritime entitlements ng Pilipinas at pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here