Home OPINION KALIGTASAN SA ULAN AT BAHA

KALIGTASAN SA ULAN AT BAHA

2
0

SA panahon ng tag-ulan, hindi sasapat ang payong o kapote na pananggalang. Kasabay ng malakas na ulan ang iba’t ibang hazards tulad ng flooding, landslide, electrical accidents, road crashes at pagkalat ng mga sakit. Kaya totoo ang slogan na “preparedness can save lives.”

Kapag may heavy rainfall, ugaliing i-monitor ang weather updates at warnings mula sa PAGASA at local government units. Huwag hayaang hintayin na maging kritikal ang sitwasyon bago kumilos. Kung may evacuation order mula sa mga awtoridad, pumunta kaagad sa designated evacuation center o mas ligtas na lugar.

Sa bahay, ilagay sa mataas at dry area ang mga importanteng dokumento, gamot, pagkain, tubig, flashlight, batteries, power bank at iba pang emergency supplies. Mas mainam kung may nakahandang GO-BAG kit. Kung nagsisimula nang pumasok ang tubig sa bahay, i-turn-off ang main electrical switch dahil mas ligtas itong gawin. Iwasang hawakan ang anomang electrical appliances, outlets or wires habang nakatayo sa tubig, dahil maaaring may live electrical current na hindi natin nakikita.

Para naman sa mga worker sa construction, transportation, utilities at iba pang outdoor activities, kailangang magkaroon ng proper weather and flood risk assessment bago magsimula o magpatuloy ang trabaho. Kapag may thunderstorm, strong winds, lightning, flash flood o posibilidad ng landslide, mas ligtas na i-suspend muna ang trabaho.

Sa mga motorista, maging maingat at marahan sa pagmamaneho. Huwag basta-basta pumasok sa flooded roads, lalo na kung hindi natin alam ang lalim ng tubig-baha. Maaaring may potholes, debris, open manholes o electrical hazards sa ilalim ng tubig.

At higit sa lahat, huwag maging complacent. Ang baha ay maaaring mabilis tumaas at maging life-threatening sa loob lamang ng ilang minuto. Ang tunay na resiliency ay hindi lamang ang kakayahang bumangon pagkatapos ng kalamidad. Ito ay ang pagiging handa bago pa man dumating ang anomang panganib.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here