Home NATIONWIDE 4 na babae nasagip, 3 arestado sa human trafficking sa Zamboanga

4 na babae nasagip, 3 arestado sa human trafficking sa Zamboanga

1
0

MANILA, Philippines – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga katuwang na law enforcement agencies ang apat na kababaihan at naaresto ang tatlong sinasabing facilitator ng human trafficking sa isang intelligence-driven operation sa Barangay Tetuan, Zamboanga City noong Agosto 11, 2026.

Ang apat na nailigtas na kababaihan ay dinala sa Department of Justice – Interagency Council Against Trafficking Region 9 Office para sa counseling at tamang disposisyon.

Ang mga suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208*, o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng RA No. 10364 at RA No. 11862, pati na rin sa large-scale illegal recruitment sa ilalim ng RA No. 10022.

Pinuri ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang mga operating units sa matagumpay na operasyon at sa kanilang patuloy na pagsisikap na protektahan ang mga bulnerableng indibidwal mula sa human trafficking at pang-aabuso.

Nananatiling nakatuon ang PCG sa pagsuporta sa “Bagong Pilipinas” sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan ng mga ahensya laban sa human trafficking at illegal recruitment.

Sa pamamagitan ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) campaign at Organized National Engagement (ONE) at Sea na strategic concept, patuloy na isinusulong ng PCG ang pinagsamang maritime law enforcement at ang pagprotekta sa mga komunidad laban sa pagsasamantala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here