Home NATIONWIDE Lolo itinumba sa mismong harapan ng bahay nila

Lolo itinumba sa mismong harapan ng bahay nila

1
0

ILOCOS SUR- Hindi na nagawang makapasok sa loob ng kanilang tahanan ang isang 68-anyos na lalaki matapos barilin sa mismong harapan ng pintuan ng kanilang bahay sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 12.

Base sa kuwento ng anak na lalaki ng biktima, papasok na sana sa loob ng kanilang bahay ang kanyang ama nang bigla silang makarinig ng putok ng baril.

Nang tingnan nila ang biktima, nakita nilang duguan na nakabulagta sa mismong harap ng pintuan ng bahay nila.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo ng krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here