MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang resolusyon si SenadorFrancis “Kiko” Pangilinan na bumabati at kumilala sa Filipino P-pop supergroup SB19 sa kauna-unahang Pinoy na lumahok sa Lollapalooza, isa sa pinakamalaki at maimpluwensiyang music festivals sa buong mundo.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na inihain ang Senate Resolution No. 573 nitongMartes, Agosto 4 upang kilalanin ang makasaysayang performance ng SB19 Lollapalooza Chicago 2026 at pahalagahan ang papel ng grupo sa pagdadala ng Original Pilipino Music (OPM) sa global audience.
Ayon kay Pangilinan, ang “SB19 is a five-member group composed of Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin. Touted as the “Kings of P-Pop,” the group pioneered the modern Filipino idol group movement and made history in 2021 as the first Filipino act nominated at the Billboard Music Awards under Top Social Artist.”
“Their performance at Lollapalooza is a momentous occasion in celebrating Filipino excellence in music, arts, and dance,” ayon kay Pangilinan sa resolution. “It cements the global significance of Original Pilipino Music and highlights the impact of Filipino talent in the performing arts.”
Nitong Hulyo 31, 2026, naghandog ang SB19 ng isang high-energy set sa Allianz Stage na itinanghal ang kantang “GENTO” at “MAPA,” kasama ang pagbibigay pugay sa kanta ni Francis Magalona, ang “Mga Kababayan.”
“Sharing the 2026 festival roster with global superstars like Jennie, Lorde, Charli XCX, and Tate McRae, SB19 showcased Original Pilipino Music before a global audience and demonstrated that Filipino artists can stand alongside the world’s biggest acts,” ayon sa resolusyon.
Nakatala din sa resolusyon: “Beyond their artistic achievements, the senator also highlighted SB19’s heart for public service. The resolution recognized the group’s philanthropic work, including raising disaster relief funds, donating hospital gear during the COVID-19 pandemic, and supporting various charitable foundations.”
“Wala naman sigurong duda na world-class ang talento ng mga Pilipino pagdating sa musika. Ako ang kauna-unahang magsasabi na ibang klase ang ating mga singers. Alam niyo naman, dahil ako ay asawa ng Megastar at marami naman tayong kaibigan sa industriya, I consider myself na isang ganap na OPM fan,” ayon sa senador.
“Pero higit sa lahat, sana maging paalala sa ating mga mambabatas na mayroon din tayong responsibilidad na tutukan ang ating creative industry para mas maraming Pilipino ang mabigyan ng oportunidad na maipakita ang kanilang talento sa buong mundo,” dagdag niya. Ernie Reyes